Thursday, December 26, 2024
NEWS

Bonifacio Day

Ang pagiging bayani ay hindi lamang para sa mga may tungkuling pagsilbihan ang ating bansa kundi ito’y para sa lahat na nais lumaban para sa kapakanan ng ating bayan. Ang araw na ito ay nakaukit sa puso’t isipan ng bawat Pilipino bilang araw ng ating Pambansang Bayani na si Andres Bonifacio. Kinikilala ng mga Pilipino ang bawat pagsasakripisyo na inialay niya para sa ating bansa tuwing espesyal na araw sa Nobyembre 30.

Nilipat man ang holiday sa Nobyembre 27 sa halip na Nobyembre 30, ngunit hindi ito naging hadlang sa pagbibigay pugay ng sangkatauhan para sa ating minamahal na bayani. Hindi lamang ito naging daan upang makamit ng mga Pilipino ang inaasam-asam nilang kalayaan kundi ito rin ay nakapagbubukas sa isipan ng bawat mamamayan na ang pagiging bayani ay hindi pinipilit sapagkat ito’y kusang loob mula sa ating puso’t isipan na lumaban para sa minamahal nating sambayanan.

Layout by Erica Litang

Caption by Jhea Laranjo